
Umaasa ang Department of Finance (DOF) na makakuha ng tatlong utang sa World Bank (WB) na nagkakahala¬ga ng $870 milyon o P48.72 bilyon.
Ayon sa isinumite ng Department of Budget and Management sa Kongreso na bahagi ng budget proposal ng administrasyong Marcos sa 2023, may nilulutong $70 milyong (P3.92 bilyon) utang para sa tinatawag na Teacher Effectiveness and Competencies Enhancement Program loan, ang $400 milyon (P22.4 bilyon) ng utang na tinatawag na Philipine First Financial Sector Reform Development Policy Loan, at ang $400 milyon (P22.4 bilyon) na utang para sa Climate Development Policy Loan.
Umaasa ang pamahalaan na kakakubra ng $22 milyon (P1.32 bilyon) mula sa Teacher Effectiveness and Competencies Enhancement Program ngayon taon subalit hindi pa nagkakapirmahan ang World Bank at ang DOF para dito.
Aprubado na ng World Bank ang $400 milyong Philippines First Financial Sector Reform Development Policy Financing noong Hunyo 30, 2022. Ang utang na ito ay para tulungan ang mga awtoridad, partikular na ang Bangko Sentral ng Pilipinas sa pagpapautos sa mga bangko, husayan ang paglaban ng bansa sa anti-money laundering at labanan ang terrorist financing, at palakasin ang insurance industry. (Eileen Mencias)
The post P48B uutangin ng ‘Pinas sa WB first appeared on Abante. Read more!